dati ko pang sinasabi na hindi ako magaling magbenta. kaya nga sa una kong account sa call center, isang metric lang ang hindi ko naipapasa – UPSELL. haaay… ewan ko bah. hindi lang talaga ako magaling mambola. hindi rin ako sinungaling. pero hindi naman ibig sabihin na lahat ng mga magagaling magbenta o lahat ng mga nasa sales ay mga sinungaling. kumbaga, straight to the point ako. ayoko ng paliguy-ligoy. kung may tanong, gusto ko ng diretsong sagot. kung ayaw mo, fine! hindi ako mamimilit. kung may masakit kang sasabihin sa akin, sabihin mo ng diretso – wala ng mga pasakalye – kasi parehong sakit lang naman yan, kahit pano mo pa sabihin.
so, yun nga. kaya isang surprise sa akin nang mapasama ako sa dedicated sales team ng account namin. una pa lang, hindi na ako confident. pero month after month, pumapasa naman ako. hanggang nung december. naghabol ako, pero hindi ko pa rin nakayang habulin ang target. sabi ko, mag-iiba na ito next month. ngayon nga, january na – 1st week. haaay… hindi ko alam kung anong kamalasan tong dumapo sa akin at puro misrouted at inquiry lang ang mga calls ako.
sige lang, may 3 weeks pa naman. basta lagi kong sinasabi, stay positive lang. tsaka, huwag kalilimutang “all things work together for good to them that love God”. kaya ngayon, yun ang panghahawakan ko. gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. kung hindi para sa akin, hindi talaga. pero sana naman, para sa akin na ang buwang ito. thank you…